BAKIT ANG MGA PINOY MAHILIG KUMAIN NA GAMIT ANG KAMAY?

Bagay na madalas itanong sa akin ng mga puti (Austrian-EUROPEAN)!
BAKIT NGA BA???
Bakit sa palagay nyo mahilig ang kumain ang mga pinoy na nakakamay lang? yung kamayan style? gamit lang ang kamay, walang tinidor at kutsara. Kaugalian ba, nakasanayan ba, kultura ba, minana ba…mga katanungan na laging umiikot sa aking isispan…

Marahil ay depende sa situwasyon…o di kaya ay ang mga dahilan ay ito:

Madalas kasing ulam ng mga pinoy ay isda tapos may sawsawan pa. Ang isda mas masarap kainin ng naka-kamay at mas madaling tanggalin ang tinik (except kung boneless).
Sa mga bbq-han or mga chicken inasal, madalas naka-kamay din kumain ang mga tao kasi mas madali at mas masarap kumain. Finger-licking good!
Mas masarap kumain ng nagkakamay and hndi mo na kailangang maghugas pa ng pinggan na pinagkainan lalo na kung sa dahon ng saging ka kakain gaya ng nasa larawan sa itaas and it’s very practical…
kac ang kutsara ay napakaliit at ang tagal bago ka mabusog, kapag nakakamay ka minsan ilang subuan lang ay busog na busog ka na at tama ang sabi ng iba na kumporme sa kinakain mo, kung mga hipong suwahe ang kinakain mo at alimasag at alimango siyempre kamay ang gagamitin mo diba?
Yung mga Pinoy na pagkain mas masarap kainin ng naka-kamay dahil mas madaling isawsaw.
And of course walang sabaw ang pagkain,dahil kapag meron,parang pinaghugasan na yung pagkain mo,kapag kumakain ba ng lucky me noodles ang mga pinoy meron bang naka-kamay lang? :pump-mad:

Pero hindi lang pinoy…bruneaian, indonesian..thailander, indian..malaysian ay mga nagkakamay ring kumain.
Lalo na kung sa bahay ay ok lang ang magkamay sa pagkain!
Kayo ano ang opinyon ninyo dito?

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s